^

PSN Palaro

Reyna ang Lady Spikers!

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Reyna ang Lady Spikers!
Ang pagdiriwang ng La Salle Lady Spikers.
Kuha ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Tinapos na ng nag-de­depensang De La Salle Lady Spikers ang pag-asa ng Far Eastern University Lady Tamaraws sa pamamagitan ng  26-24, 25-20, 26-24 panalo sa Game Two upang walisin ang best-of-three championship series ng UAAP Season 80 women’s volleyball tour­nament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi napigilan ng Lady Ta­maraws si Kim Dy na umiskor ng 18 puntos,  ang 11 nito ay sa first set, pa­ra sa ikalawang sunod na panalo ng Lady Spikers na nagwagi rin sa Game One, 29-27, 25-21, 25-22, noong Sabado.

Nasungkit din ng Lady Spikers ang kanilang pang-11 sunod na panalo simula no­ong Marso 3 at naiuwi ang korona.

“Ang nangyari sa last end ng third set, akala ko okay na. Pero ayaw sumu­ko ng FEU kaya sabi ko sa mga players ko na huwag muna kayong mag-celebrate,” sabi ni head coach Ramil de Jesus.

Bukod kay Dy, malaki rin ang naitulong nina Majoy Baron, Grace Tiamzon, Dawn Macandili, Aduke Ogunsanya  at Mich Cobb para masungkit ng Lady Spi­kers ang ‘three-peat’ at pang-pito sa nakaraang 10 taon.

Ito na rin ang ikatlong Grand Slam ni De Jesus,  ang una ay noong Season 66-68 at ang ikalawa ay no­ong Season 73-75.

“Basta ako, hindi ko na binibilang kung ilang championship ako. Ang ginawa ko lang is to prepare the team hard bago ang season. Then if there’s an opportunity hindi na namin binitiwan pa,” dagdag ni De Jesus, nakamit ang pag-11 championship title.

Samantala, hindi na nag-aksaya ng oras ang National University Bull­dogs at tuluyan nang ti­nanggalan ng korona ang three-time champions na Ate­neo Blue Eagles matapos kunin ang 25-20, 31-29, 22-25, 33-31 panalo sa Game Two at walisin ang ka­nilang title series.

Umiskor si Byran Bagunas ng 22 puntos kabilang na ang 17 atake, apat na blocks at isang ace para tapusin ang dinastiya ng Blue Eagles sa loob ng tatlong taon.

Nagdagdag ng 18 puntos si James Natividad pa­ra sa Bulldogs, itinala ang 25-20, 25-19, 25-23 panalo sa Game One.

“Sinabi ko sa kanila ka­nina na chance na natin ngayon,” sabi ni NU coach Dan­te Alinsunurin.

DE LA SALLE LADY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with