^

PSN Palaro

UST, Adamson patayan sa huling puwesto sa semis

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

2 p.m.  UST vs  AdU (Men playoff)

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng University of Santo Tomas  at Adamson University ang huling tiket sa Final Four sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament do-or-die game ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling maghaharap ang Growling Tigers at Soa­ring Falcons sa alas-2 ng hapon para sa karapatang makasama sa Final Four ang National University, Far Eastern University at nagdedepensang Ateneo de Manila University na nauna nang umusad sa semis.

Optimistiko si UST head coach Odjie Mamon sa tsansa ng Growling Tigers dahil pumanig sa kanila ang momento matapos itarak ang 25-23, 21-25, 25-16, 25-17 panalo laban sa Soaring Falcons noong Linggo.

Dahil sa panalo, tumabla ang UST sa Adamson sa No. 4 spot tangan ang parehong 6-8 baraha.

Nasandalan ng Grow­ling Tigers sa naturang laro si Jayvee Sumagaysay na umiskor ng 20 puntos katuwang si Tyrone Carodan na may 14 at sina Manuel Medina at Arnold Bautista na may tig-11.

Kukuha naman ng Lakas ang Soaring Falcons mula kay Paolo Pablico na nakalikom ng 17 puntos sa kanilang huling laro ngunit kailangan nito ng tulong mula kina George Labang, Royce Belo, John Philip Yude at setter Leonard Amburgo.

Ang mananalo sa UST-Adamson game ang siyang haharap sa top-ranked National University sa semifinals sa Linggo sa Mall of Asia Arena.

Dalawang beses natalo ang Growling Tigers sa Bulldogs sa season na ito habang may 1-1 rekord ang NU at Adamson sa kanilang paghaharap sa eliminasyon.

Magtutuos naman sa hiwalay na Final Four game ang No. 2 Tamaraws at No. 3 Blue Eagles sa Sabado sa Mall of Asia Arena.

Parehong armado ang Bulldogs at Tamaraws ng twice-to-beat card sa semis.

UAAP SEASON 80 MEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with