^

PSN Palaro

De Lima inangkin ang unang ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
De Lima inangkin ang unang ginto

Region 2 kumana rin ng dalawa sa 2018 palaro

VIGAN, Ilocos Sur , Philippines  — Sa kanyang pangatlong pagsabak sa Palarong Pambansa ay nakamit na ni Lheslie De Lima ng Region 5 ang kauna-unahan niyang gintong medalya.

“First gold ko po ito sa Palarong Pambansa, kaya masayang-masaya po ako,”  sabi ng 13-anyos na inco­ming Grade 8 student sa Baao National High School sa Camarines Sur  ilang minuto matapos magtala ng bilis na 10:06.54 sa secondary girls'  3,000-meter run kahapon sa President Elpidio Quirino Stadium dito.

Tinalo ni De Lima, anak ng isang magsasaka, para sa kauna-unahang gold medal na inilatag sa 2018 Palarong Pambansa sina Camila Tubiano (10:07.07) ng Region 10 at Grace Tejones (10:52.99) ng Region 6.

Nauna nang kumuha ng silver medal si De Lima sa secondary girls' 1,500m at 800m events sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon sa San Jose, Antique.

Nakatakda pang maglaro si De Lima, pang-lima sa pitong magkakapatid, sa 1,500m at 800m run.

Bukod kay De Lima, ang iba pang nagtakbo ng gin­tong medalya sa kanilang mga events sa athletics ay sina Christian Ampong ng National Capital Region sa secon­dary boys' javelin throw at Aljin Gomez sa secondary boys' long jump at Rashied Faith Burdeos sa elementary girls' shot put ng Region 2.

Naghagis ang 18-anyos na si Ampong ng 58.51m para angkinin ang gold medal laban kina John Paul Sarmiento (53.87m) ng Region 4-B at Jhon Dave Tumulak (53.66m) ng Region 7.

Lumundag naman ang 17-anyos na si Gomez ng 6.96m para angkinin ang gintong medalya sa long jump para ungusan sina James Oliver Meim (6.88m) ng Region 4-B at Lowell Jay Batobalani (6.76m) ng Region 7.

Ang ikalawang gold medal ng Region 2 ay nagmula sa 13-anyos na si Burdeos ng San Gabriel, Tuguegarao na bumato ng 10.13m.

LHESLIE DE LIMA

PALARONG PAMBANSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with