^

PSN Palaro

Duterte dadalo sa opening ng Palarong Pambansa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

VIGAN, Ilocos Sur, Philippines — Matapos sa San Jose, Antique noong nakaraang taon ay inaasahan namang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng 2018 Palarong Pambansa dito.

“The President will be there,” sabi nina Philippine Sports Commissioners Ramon Fernandez at Charles Maxie sa muling pagdalo ni Presidente Duterte, pinangunahan ang pagbubukas ng 2017 Palarong Pambansa sa San Jose, Antique, sa taunang event para sa mga elementary at high school students na nakatakda sa Abril 15-21.

Puntirya ng National Capital Region ang kanilang pang-15 sunod na overall championship laban sa 16 pang rehiyon.

Makakasama rin nina Maxie at Fernandez sa makulay na opening ceremony sina PSC Commissioners Celia Kiram at Arnold Agustin, Department of Education Secretary Leonor Briones at host Ilocos Sur Gov. Ryan Singson.

Kabuuang 21 sports events ang nakalatag sa 2018 Palarong Pambansa sa pangunguna ng track and field at swimming.

Ang iba pa ay ang archery, arnis, badminton, baseball, basketball, billiards, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, sepak takraw, softball, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball, wrestling at wushu.

Inihanay naman bilang mga demonstration events ang aero gymnastics, dancesports at pencak silat.

Ang mga venues na gagamitin ay ang Quirino Stadium, San Ildefonso Elementary School, San Vicente Municipal Gym, Vigan City Convention Center, Caoayan Municipal Gym, San Juan Municipal Gym at Plaza Burgos, Lyric Billiards Center.

2018 PALARONG PAMBANSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with