^

PSN Palaro

Lady Eagles dadapo sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

2pm UST vs ADMU

4pm NU vs UP

MANILA, Philippines — Target ng Ateneo na masungkit ang ikala­wang silya sa Final Four sa pakikipagtipan nito sa University of Santo Tomas sa pagbabalik-aksiyon ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Lady Eagles at Tigresses sa alas-2 na susundan ng krusyal na duwelo ng National University at University of the Philippines sa alas-4.

Hawak ng Ateneo ang solong ikalawang puwesto tangan ang 7-3 baraha habang nangunguna ang nagdedepensang La Salle na nauna nang umabante sa semis matapos kubrahin ang 9-2 marka.

Nasa ikaanim naman ang Tigresses hawak ang 4-7 rekord.

Ngunit kung matatalo ang UST, tuluyan na itong mamamaalam sa kontensyon at maiiwan sa Far Eastern University (7-4), NU (6-5) at Adamson (5-6) ang gitgitan para sa nala­labing tiket sa  Final Four.

Kukuha ng lakas ang Lady Eagles sa mga bete­ranong manlalaro nito sa pangunguna ni open hitter Jhoana Maraguinot na siyang top scorer ng tropa.

Nariyan din si dating Rookie of the Year winner Kat Tolentino at sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon.

Malaki rin ang kontribusyon ni opposite hitter Jules Samonte sa opensa.

Magsisilbing lider ng A­teneo si playmaker Deanna Wong na kandidato sa Best Setter award sa season na ito.

“We’ll just continue pla­ying happy as coach Tai (Bundit) always tells us. We just need to enjoy the game and have that ‘heart strong’ mantra,” wika ni Madayag.

Sa kabilang banda, i­lalabas na ng Tigresses ang lahat ng kanilang ba­ngis upang manatiling buhay ng kanilang tsansa sa Final Four.

Walang iba kundi si wing spiker Cherry Ann Rondina ang pangunahing aasahan ng Tigresses.

Si Rondina ang top scorer sa liga at kabilang sa mga MVP candidates.

UAAP SEASON 80 WOMEN’S VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with