^

PSN Palaro

Smart Candy dale ang ika-2 dikit na 3YO Stakes Race

Pilipino Star Ngayon

CARMONA, Cavite, Philippines — Ipinagpatuloy ng Smart Candy ang dominasyon sa tinatakbuhang dibisyon sa San Lazaro Leisure Park dito.

Ito ay matapos ungusan ng Smart Candy sa pagdadala ni jockey Kelvin Abobo ang Wonderland at Victorious Colt sa bilis na isang minuto at 41 segundo sa 1,600-meter 3rd leg ng 2018 Philippine Racing Commission’s 3YO Local Fillies and Colts Stakes Race.

Ang distansya ay mas mahaba ng 100 metro kum­para sa second-leg distance na naipanalo rin ng Smart Candy.

“Sa tingin ko, kaya niyang  makipag-compete sa mahabang distansiya. First time niyang tumakbo ng mile. Maganda ang pinakita niya,” sabi ni Abobo.

Hindi nahirapan si Abobo na dalhin ang Smart Candy sa unahan ng labanan.

“Gusto niya sa harapan, kaya hindi kami mas­yadong nahirapan,” ani Abobo sa Smart Candy, nagbigay sa horse owner na SC Stockfarm ng prem­yong P600,000 mula sa kabuuang guaranteed purse na P1 milyon.

Sinabi naman ni trainer Chito Santos na ang karera ay nagsilbing paghahanda ng Smart Candy para sa Triple Crown sa susunod na buwan.

Ito ang ikaanim na pa­nalo ng Smart Candy.

Nakuha naman ng Won­derland nina owner Herminio Esguerra at jockey Pat R Dilema ang P225,000, habang itinakbo ng Victorious Colt nina owner Jose Antonio Zialcita at jockey OP Cortez ang P125,000.

Samantala, mas mi­nabuti ng Philracom na palitan ang kanilang weekend schedule dahil sa darating na bakasyon.

Sa isang resolution, ang mga karera ay gagawin sa Hunyo 30 mula sa dating iskedyul na Abril 1.

Ang mga Saturday schedules ay dapat pa­kawalan sa alas-4 hapon na may maximum 10 ra­ces habang ang maximum naman sa Linggo ay 12 races kung saan bibitawan ang Race No. 1 sa alas-3  ng hapon.

SMART CANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with