^

PSN Palaro

5 Altas players tinapik sa Philippines team na papalo sa Clash of Heroes

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima pang manlalaro mula sa University of Perpetual Help Altas sa pa­ngunguna ng magkapatid na sina Rey at Reland Taneo ay idinadagdag sa 25-man pool ng Philippine National team na sasabak sa “Clash of Heroes” sa Lunes sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Bukod sa magkapatid na Taneo, ang tatlo pang iba ay sina Bonjomar Castel, Jack Kalingking at Ismael Kasim ang isinama ni men’s national team head coach Sinfronio “Sammy” Acaylar sa mga naghaha­ngad na makasali sa darating na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto 19 hanggang 31.

Ang “Clash of Heroes” ay paligsahan ng mga ma­gagaling na volleyball Spi­kers ng bansa na pagpipi­lian para sa national team na sasali sa SEA Games.

Mag-umpisa ang men’s aspirants selection sa alas-4 ng hapon at mapanood via ‘livestream’ sa coverage ng Sports TV 5. Ito ay isa sa tatlong-leg series, ang iba ay gaganapin sa Cebu at Davao City.

 Kasama sa kumpletong roster sa Manila Leg (Team Rajah) sina Relan Taneo, (UPHSD), Ranran Abdilla (PAF), Dave Cabaron (SWU), Eddiemar Kasim (DLSU-Dasma), Johnvic De Guzman (CSB), Reyson Fuentes (PAF), Peter Torres (Cignal), Kenneth Sarcena (SWU), John Paul Bagaoan (FEU), Louwie Chavez (PAF), Mark Deximo (CSB) at Erickson Ramos (Cignal).

Magiging basehan sa selection process ang skills, attitude at kung pa­paano sila makikipag communicate sa ibang manlalaro.

BONJOMAR CASTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with