^

PSN Palaro

PCU giniba ang FEU-NRMF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinabagsak ng Philippine Christian University ang dating walang bahid na FEU-NRMF-Gerry's Grill, 98-97, sa 2017 MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center.

Humataw sina Michael Ayonayon at Jon Von Tambeling ng pinagsamang 61 points para sa ikalawang di­kit na panalo ng Dolphins at makasosyo ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel sa maagang liderato.

Naasap ng FEU-NRMF ang una nitong kabiguan at sumadsad sa 3-1 kartada.

Si Ayonayon ay umiskor ng 31 puntos, kabilang ang 21 sa second half, ha­bang si Tambeling ay nag-ambag ng 30 puntos.

Ang Fil-Canadian sensation na si  Clay Crellin ang nanguna para sa Tamaraws mula sa kanyang 23 points.

Nakatuwang niya sina Glen Gravengard, Erwin Sta. Maria at Raniel Jake Diwa na may 18 at tig-16 mar­kers, ayon sa pagkaka­sunod.

Nalusutan ng CdSL-V Hotel ang MLQU-Victoria Sports, 89-79, at dinurog ng Diliman College-JPA Freight Logistics ang Emilio Aguinaldo College,  72-56.

vuukle comment

PCU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with