^

PSN Palaro

Elite pinalakas ang tsansa sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Elite pinalakas ang tsansa sa quarterfinals
Tinangkang supalpalin ni Kyle Pascual ng Blackwater si Asi Taulava ng NLEX.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines -  Kasabay ng pagbuhay sa kanilang tsansa sa quarterfinal round ay lalo pang inilugmok ng Elite ang mga Road Warriors sa ilalim.

Umiskor sina import Greg Smith at Niño ‘KG’ Canaleta ng tig-24 points, habang kumolekta si guard Mike DiGregorio ng 22 markers, 4 assists at 3 boards para sa 104-98 panalo ng Blackwater kontra sa NLEX sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naglista rin si Smith ng 18 rebounds at 7 assists para sa ikalawang panalo ng Elite sa walong laro.

“We’re just prepping ourselves to be in a situation where we can enjoy the games against San Miguel and Ginebra,” sabi ni head coach Leo Isaac sa pagharap ng Blackwater sa dalawang SMC teams matapos labanan ang Mahindra sa Linggo.

Tinapos ng Elite ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para sumilip ng pag-asang makasama sa eight-team quarterfinals cast.

Nalagay naman sa bi­ngit ng pagkakasibak ang Road Warriors sa kanilang nalasap na pang-walong sunod na kabiguan.

Pinangunahan ni Kevin Alas ang NLEX mula sa kanyang 18 points.

Tuluyan nang sinelyuhan ni Mark Cruz ang panalo ng Blackwater nang isalpak ang dalawa niyang free throws sa nalalabing 11 segundo.

GREG SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with