^

PSN Palaro

CdSL-V Hotel, Wang’s Ballclub wagi sa MBL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ng magkahiwalay na panalo ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel at Wang’s Ballclub sa pagbabalik-aksyon ng 2017 MBL Open basketball championship kagabi sa EAC Sports Center sa Manila.

Sumandig ang Blue  Griffins sa matikas  na import na si Chabi Soulmane  para itakas ang 72-69 pananaig laban sa Emilio Aguinaldo College Generals.

Tumapos ang Nigerian  import na si Soulmane ng 19 puntos sa kanyang debut game sa kumpetisyong itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, D­i­c­kies Underwear at Gerry’s Grill.

Nakatuwang ni Soulmane si NCR UCLAA  MVP Jun Gabriel sa pagbi­bigay ng matibay na depensa para sa Blue Griffins.

Samantala, ginamit na­­man ng Wang’s ang kanilang malawak na kara­nasan para silatin ang Victoria Sports-MLQU, 76-74 sa isa pang laro.

Trinangkuhan ni Michael Juico ang opensa ng Wang’s sa kanyang tinapos na 18 puntos, habang nag-ambag naman sina Jeff Tayontong at Mark Montuano ng tig-17 puntos para ­makamit ang ika-2 panalo.   

vuukle comment

MBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with