ALAT
Malubak at matarik ang daang tinatahak ng NLEX Road Warriors ni coach Yeng Guaio.
Matapos ang anim na laro, zero pa ang score nila.
Sila na lang ang walang panalo sa PBA Commissioner’s Cup. At kung hindi magbabago ang kapalaran, ewan ko na lang.
Baka PBA record ang bagsak nila.
‘Wag naman sana ito mangyari sa NLEX.
Si coach Yeng pa!
Eh hindi ito sanay sa ganito. Palaban si coach na kahit butaw ang hawak na baraha ay sanay itong lumalaban at dumidiga.
Maging sa Red Bull o Rain or Shine.
Pero itong NLEX team niya ay daig pa sa itlog na pula ang alat.
Natalo sila sa Rain or Shine, Meralco, Mahindra, Star, Talk ‘N Text at GlobalPort. Hindi naman dapat dahil may mga dikit at masakit na pagkatalo.
Lalu na yung sa Star, kung saan sa last-second shot na lang ni Jio Jalalon sila natalo. At sa Talk ‘N Text kung saan lumamang sila ng napakalaking 29 points bago bumigay.
Kamot ulo na lang si coach.
Sa biruan nga ni coach sa mga sportswriters, sinabi niya na hindi na sila nag-eensayo.
“Nagku-kwentuhan na lang kami,” sabi ni coach.
Joke lang, of course, dahil sigurado akong humahanap pa rin siya ng solusyon para sa mga natitira pa nilang laro kontra Ginebra, Blackwater, San Miguel, Alaska at Phoenix.
Tapos na ang Holy Week.
Bangon na NLEX.
- Latest






















