^

PSN Palaro

Pinakamahusay na atleta ng Palaro pararangalan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bibigyan ng Department of Education ng parangal ang pinaka-outstanding na produkto ng Palarong Pambansa simula sa u­nang edisyon noong 1948.

Ang unang Palarong Pambansa Parangal Achievement Award ay ibi­bigay ng DepED sa ope­ning ceremonies ng 60th edisyon sa Abril 23 sa San Jose Buenavista, Antique.

Ayon kay DepEd assistant Secretary Tonisito Umali isa lamang ang kanilang pipiliin sa marami nang naging outstanding alumni ng prehistiyosong taunang kumpetisyon para sa mga student-athletes na may edad 17-anyos pababa.

Bukod sa plaque at tro­phy, ang mapipili sa u­nang Palarong Pambansa Pa­rangal  Achievement Award ay makatanggap din ng P50,000 cash at all-expenses paid trip papunta sa San Jose Buenavista, Antique para tanggapin ang malaking karangalan.

Ayon kay Umali, ang ilan sa mga pinagpipilian ay sina Lydia de Vega, Elma Muros, Isidro del Prado at Eric Buhain.

Dalawang demonstration sports at isang de­monstration event ang idi­nagdag sa 60th edisyon kaya umabot na  sa mahigit 21 sports disciplines ang paglalabanan ng mahigit 10,000 athletes mula sa 18 regions ng bansa.

 

TONISITO UMALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with