^

PSN Palaro

Toyota Vios Cup mas maraming race rounds

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inilunsad ng Toyota Vios Cup ang kanilang ikaapat na season na tatampukan ng mas maraming race rounds at celebrity guest drivers.

Pinangunahan ni Toyoa Motos Phl. president Satoru Suzuki ang nasabing event na sisimulan ng apat na rounds sa Abril 28 at 29 sa Clark International Speedway sa Clark Field, Pampanga.

“We're confident and hopeful that the Vios Cup will further develop and promote motoring in the Philippines,” sabi ni Suzuki sa event launch sa Pampas Latino Bistro sa Uptown BGC sa Taguig City.

Bibitawan naman ang susunod na karera sa Hunyo 10-11 sa Clark, samantalang ang ikatlo ay nakatakda sa Setyembre 15-16.

Ang pang-apat at final round ay babalik sa Clark sa Nobyembre 10-11.

Magpapakitang-gilas naman ang mga celebrity dri­vers na pangungunahan nina Aubrey Miles at Gretchen Ho, magsasanay sa ilalim ng Tuason Racing School.

TOYOTA VIOS CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with