^

PSN Palaro

Lady Eagles lumapit sa tiket sa final four

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagwagi ang Ateneo de Manila Lady Eagles kontra sa University of Sto. Tomas Tigresses sa tatlong sets, 25-10, 26-24, 28-26, para palawakin ang kanilang winning streak  sa pitong sunod sa UAAP Season 79 women’s volley­ball tournament kahapon sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Nalampasan ng La­dy Eagles ang resbak ng Tigres­ses sa third set kung saan binura nila ang set point advantage para makuha ang ika­-walong pa­nalo sa siyam na laban at manatili sa top spot.

Dahil sa pagkatalo ay bu­magsak ang UST sa four-way logjam sa ikatlong puwesto kasama ang University of the Philippines, Far Eastern University at Na­tional University sa pareho nilang 5-4 baraha.

Tinapos naman ng La­dy Maroons ang four-game losing skid sa pama­ma­gitan ng pagpapadapa ng University of the East Lady Warriors, 25-14, 18-25, 25-15, 25-10.

Dahil sa kanilang pa­na­lo ay binuhay ng Diliman-based squad ang pag-asang makapasok sa Final Four sa bitbit na 5-4 kartada at makisosyo sa ikaapat na puwesto kasama ang NU at FEU.

Magaang sinungkit ng Lady Maroons ang unang set, 25-14, ngunit biglang bumawi ang Lady Warriors sa second set, 18-25 kaya umarangkada agad si­na Diana Carlos, Kathy Bersola, Nicole Tiamzon at Isa Molde para bawiin ang bentahe tungo sa malaking panalo at ibaon ang Lady Warriors sa 1-8 record.

Sa men’s division, ki­nu­ha ng Bulldogs ang tiket sa Final Four matapos ibagsak ang Adamson Falcons, 25-21, 25-12, 25-19, para sa kanilang seven-game winning streak.

Tinalo ng Tigers ang ang Red Warriors, 25-21, 22-25 25-21, 25-18 .

FINAL FOUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with