^

PSN Palaro

Mccollum gumana, Trail Blazers itinakas

Pilipino Star Ngayon
Mccollum gumana, Trail Blazers itinakas
Iniwanan ni C. J. McCollum ng Trail Blazers si Dirk Nowitzki ng Mavericks para sa kanyang lay-up.

DALLAS - Nagpasabog si guard C.J. McCollum ng 32 points, ang huling basket ay kanyang isinalpak sa natitirang 0.9 segundo, para akayin ang Portland Trail Blazers sa 114-113 pagtakas laban sa Ma­vericks.

Bago ang naturang tirada ni McCollum para sa Portland ay tumipa muna si Dirk Nowitzki ng dala­wang three-pointers, at ang ika­lawa ay ang potential game-winner sa huling 3.9 segundo para sa Dallas.

Nagdagdag naman si Damian Lillard ng 29 points para sa Blazers, naitabla ang kanilang season series ng Mavericks sa 2-2.

Pinangunahan ni Harrison Barnes ang Dallas sa kanyang 26 points kasunod ang 25 markers ni Nowitzki.

Naglaban ang dala­wang koponan, nag-aagawan sa eighth at final playoff spot, para sa bentahe sa fourth quarter kung saan sila nagpalitan ng 13-0 atake.

Sa Houston, nagtala si James Harden ng 25 points at 13 assists para tulungan ang Rockets sa 128-104 paggupo sa Orlando Magic.

Nagposte ang Houston ng 23-point lead hanggang makadikit ang Orlando sa nine-point deficit matapos ang turnaround jumper ni Serge Ibaka sa gitna ng fourth period.

Muling nakalayo ang Rockets sa itinalang 112-97 kalamangan sa huling apat na minuto para tuluyan nang talunin ang Magic.

Nagsalpak si Patrick Beverley ng 7 points para itayo ang 120-99 sa huling dalawang minuto.

Kumolekta si Ibaka ng 28 points para sa Orlando kasunod ang 21 markers ni Evan Fournier.

Sa Charlotte, tinapos ng Hornets ang kanilang seven-game losing skid nang kunin ang 111-107 panalo kontra sa Brooklyn Nets.

Ito ang unang tagum­pay ng Charlotte (24-28) matapos gibain ang Brooklyn noong Enero 21.

Umiskor sina Nicolas Batum, Kemba Walker at Marco Belinelli ng tig-17 points para banderahan ang Hornets.

Pinamunuan ni Bojan Bogdanovic ang Nets sa kanyang 22 points, habang may 20 markers si Brook Lopez.

vuukle comment

C.J. MCCOLLUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with