^

PSN Palaro

Star inilapit ni Lee sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Star inilapit ni Lee sa quarterfinals
Nag-unahan sina Allein Maliksi ng Star at Dylan Ababou ng Blackwater sa pagkuha ng bola.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Naging matuwid ang shooting touch nina Allein Maliksi at Justin Melton, ngunit ang mahahalagang puntos ay nanggaling kay Paul  Lee.

Humugot si Lee ng 13 sa kanyang 15 points sa fourth quarter para akayin ang Star sa 111-95 panalo kontra sa Blackwater at makalapit sa isang tiket sa quarterfinal round ng 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Tumapos si Maliksi na may 26 points mula sa 5-of-7 shooting sa three-point range, habang nagdagdag si Melton ng 15 markers na kanyang ginawa sa first half para sa 5-4 baraha ng Hotshots.

“Itong game na ito ‘yung start ng playoffs para sa amin,” sabi ni Star coach Chito Victolero. “Our boys are veterans, mentally tough and they know what to do already.”

Kailangan na lamang manalo ng koponan laban sa Meralco sa Sabado para makamit ang tiket sa eight-team quarterfinals.

Nalagay naman sa pa­nganib ang tsansa ng Elite, may 5-6 baraha, sa quarterfinals dahil sa kanilang ikalawang dikit na kabiguan.

Nakabangon ang Blackwater mula sa 15-point deficit, 37-52 sa second period para makadikit sa 61-64 agwat sa third quarter.

Isinara naman ng Hotshots ang nasabing yugto bitbit ang 78-70 bentahe patungo sa pagtatala ng 16-point lead, 100-84 laban sa Elite sa 6:35 minuto ng final canto mula sa pagbibida ni Lee.

Inilista ng Star ang 20-point advantage, 107-87 sa huling 4:03 minuto ng laban para tuluyan nang gibain ang Blackwater.

Samantala, kasaluku­yang naglalaban ang TNT Katropa at ang Globalport habang sinusulat ito.

Star 111 - Maliksi 26, Lee 15, Melton 15, Jalalon 14, Sangalang 10, Barroca 8, Ramos 7, Dela Rosa 6, Pingris 5, Reavis 4, Brondial 1.

Blackwater 95 - Dela Cruz 23, Pinto 13, Sumang 13, Buenafe 10, Aguilar 10, Sena 9, Belo 6, Miranda 5, Gamalinda 4, Cervantes 2, Ababou 0, Pascual 0.

Quarterscores: 23-29; 59-45; 78-70; 111-95.

PAUL LEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with