^

PSN Palaro

Pasok sa 2nd round ng Australian OPEN Huey-Mirnyi pair nagpakilala agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabangon sina Fil-Am Treat Conrad Huey at Belarusian Max Mirnyi sa malamyang panimula upang itakas ang 4-6, 7-6 (3), 6-4 panalo laban kina Leander Paes ng India at Andre Sa ng Brazil sa opening round ng 2017 Australian Open doubles competition na ginaganap sa Melbourne Park.

Nagtala sina Huey at Mirnyi ng apat na aces mula sa 64-of-99 accuracy sa first serve sa larong tumagal ng dalawang oras at 13 minuto. Nakakuha rin ang dalawa ng 46 puntos sa first serve at 24 sa second serve.

Ang panalo rin ang nagsilbing matamis na pagresbak nina Huey at Mirnyi laban kina Paes at Sa na siyang tumalo sa kanila sa first round ng ASB Classic doubles noong nakaraang linggo sa Auckland, New Zealand.

Makakasagupa ng 10th seed na sina Huey at Mirnyi sa second round ang magawawagi sa pagitan ng dalawang Australian pairs na sina Matt Reid at John-Patrick Smith at Sam Groth at Chris Guccione.

Umusad din sa susu­nod na yugto sina top seeds Pierre-Hugues Herbert at Nicolas Mahut ng France, fourth picks Henri Kontinen ng Finland at John Peers ng Australia, No. 11 Jean-Julie Rojer ng Netherlands at Horia Tecau ng Romania  at No. 14 Juan Sebastian Cabal at Robert Farah ng Colombia.

Inilampaso nina Herbert at Mahut sina Adrian Mannarino ng France at Adil Shamasdin ng Canada, 6-2, 6-3; ginapi nina Kontinen at Peers sina Santiago Gonzalez ng Mexico at David Marrero ng Spain, 7-6 (1), 6-4; pinataob nina Rojer at Tecau sina Philipp Petzschner ng Germany at Mikhail Youzhny ng Russia, 7-6 (5), 7-6 (3)  at nanalo sina Cabal at Farah kina Ken Skupski at Neal Skupski ng Great Britain, 6-3, 6-4.

Sa mixed doubles, muling makakapares ni Huey si Andreja Klepac ng Slovenia.

Sasagupain nina Huey at Klepac sina Michaella Krajicek ng Netherlands at Raven Klaasen ng South Africa.

Magugunitang umabot sa semifinals sina Huey at Klepac noong nakaraang taon.

FIL-AM TREAT CONRAD HUEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with