^

PSN Palaro

Jarin dadalhin sa Bulldogs ang winning formula

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Jamike Jarin na dalhin ang kanyang winning formula sa National University sa pagsabak nito sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Pormal nang itinalaga ng NU kamakailan si Jarin bilang bagong head coach ng Bulldogs kaya’t asahan ang bagong sistemang ipatutupad nito upang masiguro na handang-handa ang koponan bago sumalang sa susunod na edisyon ng liga.

Pinalitan ni Jarin si Eric Altamirano na siyang nagdala sa Bulldogs sa kampeonato noong Season 77.

Makakasama ni Jarin sa coaching staff sina dating PBA stars Danny Ildefonso at John Ferriols.

Nagpasalamat si Jarin kay Altamirano dahil sa ma­gandang programang iniwan nito sa NU.

Malakas ang backcourt ng Bulldogs.

Ngunit tututukan ni Jarin ang paglatag ng solidong depensa gayundin ang mas mabilis na laro upang makasabay sa malalakas na koponan sa susunod na taon partikular na ang nagdedepensang  De La Salle University, Ateneo de Manila University, Far Eastern University at Adamson University na nananatiling solido ang lineup.

Bigong makapasok sa Final Four ang Bulldogs sa nakalipas na season matapos magtala ng 5-9 rekord sa eliminasyon, sapat para kubrahin ang ikalimang puwesto.

“Gusto kong mapabilis yung laro namin. It’s my goal to make the team more competitive this time,” wika ni Jarin na dinala ang San Beda Red Lions sa kampeonato sa NCAA Season 92 bago lumipat sa NU.

Tiniyak naman ni Jarin na maganda ang kanyang relasyon sa San Beda bago kunin ang tungkulin sa NU.

Pakay ni Jarin na maibalik ang NU sa Final Four at kung susuwertehin ay makapasok sa finals at magwagi ng korona - gaya ng nagawa ni dating Letran coach Aldin Ayo na nabitbit ang La Salle sa kampeonato.

“Our target is to make it to the Final Four then hopefully finals and win a championship,” ani Jarin.

JAMIKE JARIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with