Brazilian soccer team ubos sa plane crash
La Unión, Colombia - Hindi makapaniwala ang mga pamilya at kinatawan ng Chapecoense Real matapos ang pagbagsak ng eroplanong sinakyan ng Brazilian team sa isang bundok ng Colombia .
Kabuuang 71 ang namatay, habang anim ang himalang nakaligtas.
“The pain is terrible. Just as we had made it, I will not say to the top, but to have national prominence, a tragedy like this happens,” sabi ni club vice-president Ivan Tozzo sa panayam ng Globo SporTV.
Pinamunuan nina football legends Pele at Maradona at mga bagong superstars na kagaya nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo ang pagbibigay ng tribute sa mga players ng Chapecoense Real, isang mahirap na koponan na unti-unti pa lamang sumisikat.
Mula sa pagiging ilalim ay nakapasok ang koponan sa finals ng Copa Sudamericana, ang ikalawang pinakamalaking club tournament sa South America.
Iniulat ng charter plane ng Bolivian company LAMIA ang pagkakaroon ng ‘electrical failures’ ng alas-10 ng gabi noong Lunes kasunod ang pagbagsak nito malapit sa pupuntahang Medellin.
- Latest