Lady Stags may misyon sa Lady Knights
Laro Ngayon
(The Arena)
8:30 a.m. SSC vs Letran (Jrs)
10 a.m. SSC vs Letran (M)
11:30 a.m. SSC vs Letran (W)
1 p.m. EAC vs JRU (W)
2:30 p.m. EAC vs JRU (M)
MANILA, Philippines - Sososyo ang San Sebastian College sa liderato sa pagharap nito laban sa Colegio de San Juan de Letran ngayong araw sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Maghaharap ang Lady Stags at Lady Knights sa alas-11:30 ng umaga habang aariba ang pukpukan ng Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa ala-una ng hapon.
Nakatali ang San Sebastian sa three-way tie sa No. 2 spot kasama ang San Beda College at Lyceum hawak ang pare-parehong 2-0 marka habang nangunguna ang defending champion College of St. Benilde na may malinis na 3-0 baraha.
Galing ang Lady Stags sa panalo laban sa Arellano Lady Chiefs, 23-25, 26-28, 25-19, 25-18, 15-12 at Mapua Lady Cardinals, 25-13, 25-17, 25-13.
Sa men’s division, magtutuos ang San Sebastian (0-2) at Letran (1-1) sa alas-10 ng umaga habang lalarga ang paluan ng EAC (0-2) at Jose Rizal (0-2) sa alas-2:30 ng hapon.
Sa juniors, titipanin ng San Sebastian (0-2) ang Letran (1-1) sa alas-8:30 ng umaga.
- Latest