4 Pinoy wushu artists isasabak sa Sanda World Cup sa China
MANILA, Philippines – Ipaparada ng Pilipinas ang apat na matitikas na wushu artists sa prestihiyosong 2016 Sanda World Cup na gaganapin mula Nobyembre 4 hanggang 6 sa Xian, China.
Mangunguna sa kampanya ng Pilipinas ang beteranong sina Divine Wally at Arnel Mandal na nagnanais maipagtanggol ang kani-kanilang korona na nakuha noong nakaraang taon.
Galing si Wally sa impresibong kampanya sa Asian Wushu Championships matapos makasungkit ng gintong medalya sa women’s 48 kgs.
Sasabak din sina Incheon Asian Games veteran Francisco Solis at Hergie Bacyadan kung saan pakay naman ng dalawang fighters na malampasan ang kanilang bronze-medal finishes sa 2015 edisyon.
Masisilayan si Mandal sa men’s 52 kgs., habang sasalang si Francisco sa men’s 60 kgs.
Magtatangka sa gintong medalya si Bacyadan sa men’s 65 kgs.
Umalis na kahapon ang pambansang delegasyon na ipinadala ng Wushu Federation of the Philippines.
- Latest