Posadas hangad ang tiket sa second round ng World Cup
MANILA, Philippines – Nagpagulong si Philippine champion Lara Posadas ng 3086 pinfalls matapos ang 15 games para palakasin ang tsansa sa isa sa 24 tiket sa second round ng 52nd QubicaAMF Bowling World Cup international finals sa Hao’s Center sa Shanghai, China.
Naglista si Posadas ng average na 205.73 para pumuwesto sa No. 16 matapos ang 10 games na nagdikit sa kanya sa iba pang women champions ng 68 bansa.
Kasalukuyan namang lumalaban si Raoul Miranda laban sa mga pintopplers ng 78 pang bansa.
Pinangunahan ni Bernice Lim ng Singapore ang labanan sa women’s division sa kanyang 3349 pinfalls para sa 223.27 average.
Pumangalawa si Nadine Geissler (3213) ng Germany kasunod sina Rebecca Whiting (3212) ng Australia, Jenny Wegner (3200) ng Sweden, Lisa John (3195) ng England, Danielle McEwan (3184) ng US, Posadas (3086), Sharon Limansantoso (3069) ng Indonesia, Roberta Rodrigues (3038) ng Brazil, Syaidatul Afifah (3006) ng Malaysia, Lisanne Breeschoten (3005) ng Netherlands at Iliana Lomeli (3004) ng Mexico.
Matapos ang 10 games ay umupo si Miranda sa No. 29 at kumpiyansang makakasama sa 24-man field sa second round.
Isa sa mga international champions ng bansa ay si Paeng Nepomuceno, ang tanging bowler na nanalo ng apat na beses na World Cup, ang namayapang si Lita dela Rosa at sina Bong Coo at C. J. Suarez.
- Latest