^

PSN Palaro

FEU-NRMF tuloy ang pananalasa sa MBL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala pa ring tatalo sa FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation.

Pinabagsak ng FEU-NRMF ang defending champion Macway Travel Club, 72-65 para sa ika-apat na dikit na panalo sa 2016 MBL Open basketball tournament sa Trinity University of Asia gym sa Quezon City.

Nagpasiklab sina Fil-Canadian sensation Clay Crellin, Egay Billones at Rene Boy Banzali upang pangunahan ang FEU-NRMF sa isang makapigil-hiningang sagupaan na tila nagsilbing preview ng darating na title showdown.

Si Crellin, ang 6-4 forward na naglaro rin sa Vancouver Balloholics sa Canada, ay umiskor ng 13 puntos kabilang ang back-to-back three-point shots sa third quarter.

Nag-ambag sina Billones at Banzali ng tig-10 puntos, bukod pa ang mahusay na playmaking para sa FEU-NRMF sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Buil­ders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Sa unang laro, nau­ngusan ng Emilio Aguinaldo College ang Philippine Air Force, 74-70 sa isa pang hitik sa aksyon na labanan.

Humirit si Jethro Mendoza ng siyam sa kanyang 14 puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Jet Force sa panalo.

vuukle comment

MBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with