Hontiveros balak nang magretiro sa pagtatapos ng PBA season
MANILA, Philippines – May dalawa pang komperensya si Dondon Hontiveros para makakuha ng PBA title bago tuluyang magretiro.
Umasa si Hontiveros na makakamit niya ang posibleng maging huli niyang PBA championship kundi lamang naisuko ng Alaska ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng San Miguel.
“I was thinking of retiring if we win. Retire with a win, but it didn’t happen,” sabi ng 16-year PBA veteran. “We still have two conferences to work on it and make it special.”
Matapos magpasikat sa nagibang Metropolitan Basketball Association ay lumipat ang Cebuano hotshot sa PBA noong 2010 para maglaro sa Tanduay Rhum Masters ni coach Alfrancis Chua.
Sa 89-96 kabiguan ng Aces sa Beermen sa Game Seven ay nagtala ang 38-anyos na si Hontiveros ng 6 points mula sa malamyang 2-of-8 fieldgoal shooting.
“Maganda sana kung nanalo, maganda sana ang retirement. Right now I’m emotionally drained,” wika ng 6-foot-1 na si Hontiveros.
- Latest