LGBT eeksena sa 1st Quezon City Pride Volleyball Cup
MANILA, Philippines – Mabibigyan ng pagkakataon ang nasa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) community na ipamalas ang kanilang husay sa paglarga ng 1st Quezon City Pride Volleyball Cup sa Sabado sa Amoranto Stadium.
May 12 koponan ang magtatagisan sa unang edisyon ng torneo na naglalayong itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa larangan ng palakasan.
Sinabi ni Councilor Mayen Juico na siyang chairman ng Quezon City committee on women, family relation and gender equality na magiging matagumpay ang naturang event na lalahukan ng matitikas na manlalaro.
Itataguyod ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang torneo sa pakikipagtulungan kay Sports Core president Ramon “Tats” Suzara na siya ring pangulo ng prestihiyosong Philippine Superliga.
Hahatiin ang 12 koponan sa dalawang grupo na maglalaro sa single-round format. Ang dalawang mangungunang koponan sa bawat grupo ang siyang papasok sa crossover semifinals.
Kabilang sa mga lalahok ang Team Braganza, Competitive Volleyball Group, Sesahood, IEM A at IEM B.
- Latest