Pacman pasok sa No. 8 sa Sports Illustrated’s P4P list
MANILA, Philippines – Pasok pa rin sa Top 10 si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa listahan ng pound-for-pound fighters na inilabas ng Sports Illustrated.
Ang 37-anyos Pinoy champion ay nasa ikawalong puwesto kung saan binigyan ito ng 10 puntos sa ratings.
Ayon sa Sports Illustrated, bumagsak ang ranking ni Pacquiao matapos matalo kina Juan Manuel Marquez noong 2012 at Floyd Mayweather Jr. noong nakaraang taon.
“The Pac Man was once at the very top of this list, but losses to Juan Manuel Marquez and Floyd Mayweather in the last three years have removed the aura of invincibility,” ayon sa Sports Illustrated.
Nakatakdang makasagupa ni Pacquiao si Timothy Bradley sa Abril 9 sa ikatlong pagkakataon.
Nangunguna sa listahan si flyweight Roman Gonzalez ng Nicaragua na nakakuha ng 29 puntos kasunod sina middleweight champion Gennady Golovkin (27 points), light heavyweight titlist Sergey Kovalev (25), super middleweight Andre Ward (20), junior featherweight Guillermo Rigondeaux (16), junior middleweight Saul Alvarez (14) at super lightweight Terence Crawford (12).
Nasa ikasiyam naman si Bradley na may siyam na puntos at ika-10 si welterweight Danny Garcia na may dalawang puntos.
- Latest