‘Big Three’ ng Cavs nagtulong, Pistons gumulong
AUBURN HILLS, Mich. - Sa unang pagkakataon ngayon season, ay umiskor sina LeBron James, Kevin Love at Kyrie Irving ng malaking produksyon sa isang laro.
Ito ang dahilan kaya dumiretso ang Cleveland Cavaliers sa isang high-scoring win.
Kumamada si Love ng 29 points, habang may 28 si Irving at 20 si James para banderahan ang Cavaliers sa 114-106 panalo sa Detroit Pistons.
Nagdagdag si James ng 9 rebounds at 8 assists.
“We always talk about, it starts and ends with the ‘Big Three,’ and those two guys got it done,” wika ni James. “I filled in, did what I needed to do to help us win.”
Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Cavaliers makaraang matalo sa Chicago Bulls sa unang laro ni Tyronn Lue bilang bagong coach ng Cleveland.
Gusto ni Lue na kaagad mag-init sa opensa ang Cavaliers.
Nagtala ang Cleveland ng halos 114 points sa kanilang huling laro.
Nilampasan ni James ang 26,000-point mark sa third period para maging pinakabatang player na nakamit ito sa edad na 31 taon at 30 araw.
Umangat din siya sa top 20 sa NBA sa career assists nang lampasan si Derek Harper.
Naglista si Andre Drummond ng 20 points at 8 rebounds para sa Detroit.
Tangan ng Cleveland ang best record sa Eastern Conference sa kanilang 33-12 baraha.
“I don’t know how many games we’ve had together,” wika ni Love. “That’s definitely coming back for us three.”
Sa iba pang laro, tinalo ng Boston Celtics ang Orlando Magic, 113-94; binigo ng New York Knicks ang Phoenix Suns, 102-84; tinakasan ng Miami Heat ang Milwaukee Bucks, 107-103; dinaig ng Oklahoma City Thunder ang Houston Rockets, 116-108 at pinatumba ng Dallas Mavericks ang Brooklyn Nets, 91-79.
- Latest