Iglupas dinomina ang Hong Kong ITF Junior netfest
MANILA, Philippines – Nasungkit ni Khim Iglupas ang kampeonato sa girls’ singles ng 2016 Hong Kong ITF Junior Tennis Championship na ginanap sa Victoria Park Tennis Court sa Causeway Bay.
Pinataob ni Iglupas si Cherry Kim ng South Korea sa finals, 6-3, 6-1 upang masiguro ang kanyang unang titulo sa taong ito.
Kabilang rin mga pinabagsak ni Iglupas sina Skylar Wang ng Hong Kong sa first round, 6-3, 6-3; Shan Yu ng China sa second round, 6-2 6-3; Long Yufei ng China sa quarterfinals, 6-7 (7), 6-2, 6-4) at Lee Kuan Yi ng Chinese-Taipei sa semifinals, 6-1, 6-3.
Umusad naman sa finals si Kim matapos igupo si Millenia Putri Novela Rezha ng Indonesia sa hiwalay na semis match, 6-1, 6-0.
Sa girls’ doubles, hindi pinalad sina Iglupas at Makoto Ohara ng Japan nang matalo ito kina Long at kababayang si Zhao Le sa semifinals, 3-6, 6-7 (5).
Sa boys’ singles, bigo sina John Bryan Decasa Otico at Arthur Craig Pantino sa kani-kanilang kampanya.
Sa kabilang banda, lumasap si Pantino ng 3-6, 2-6 kabiguan laban kay third pick Ching Lam ng Hong Kong sa first round.
Sa boys’ doubles, nakaabot sa semifinals sina Otico at Pantino ngunit natalo ito kina No. 1 Anthony Jackie Tang at Jack Wong ng Hong Kong, 2-6, 3-6.
- Latest