TINGNAN: Schedule ng Gilas sa FIBA Olympic qualifiers
MANILA, Philippines – Hindi magiging madali ang biyahe ng Gilas Pilipinas patungong Rio Olympics matapos mapabilang sa sinasabing powerhouse group ng qualifying tournament.
Makakasagupa ng Gilas dito sa Maynila ang France, New Zealand, Canada, Turkey at Senegal sa Hulyo 4 -10 upang makuha ang ticket sa Olympics.
BASAHIN: Pinas 1 sa 3 host ng FIBA Olympic qualifier
Nasa Group A ang Pilipinas kung saan kailangan nilang pabagsakin ang France at New Zealand upang umabante sa knockout semifinals na inaasahan namang makukuha ng aliman sa Canada at Turkey.
Results of the draw for the 2016 #FIBAOQT in Belgrade (Serbia), Manila (Philippines) and Turin (Italy)! #RoadToRio pic.twitter.com/1EbDcB0BXs
— FIBA (@FIBA) January 26, 2016
Bibida sa world no. 5 ranked France sina San Antonio Spurs veteran guard Tony Parker at Boris Diaw at iba pang NBA players na sina Nicolas Batum, Rudy Gobert, at Evan Fournier .
Matatangkad na manlalaro naman ang armas ng New Zealand na dating hinawakan ng ngayo’y Gilas coach Tab Baldwin noong 2002 kung saan umabot sila sa semis ng FIBA World Championships.
Competition schedule of the #FIBAOQT in Belgrade, Turin and Manila #RoadToRio pic.twitter.com/BjGrjmDm3p
— FIBA (@FIBA) January 26, 2016
Isa ang Pilipinas sa tatlong napiling mag-host ng qualifying tournament patungong Olympics.
Hindi na sana kailangan pang dumaan dito ng Gilas ngunit natalo sila sa China sa finals ng FIBA Asia nitong nakaraang taon.
- Latest