^

PSN Palaro

D-Day para sa Olympic qualifiers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaalaman na kung anu-anong bansa ang maghaharap-harap sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa gagana­ping drawing of lots bukas (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila) na idaraos sa House of Basketball sa Switzerland.

Dadalo sa naturang programa si Samahang Basketball ng Pilipinas exe­cutive director Sonny Barrios na siya ring makiki­pagpulong kay FIBA director of events Predrag Bogose­vljev para sa pagtataguyod ng bansa ng FIBA Olympic Qualifying.

May 18 koponan ang ha­hataw sa naturang event.

Hahatiin ito sa tatlong grupo na siyang maglalaro sa iba’t ibang bansang tinukoy ng FIBA upang ma­ging punong-abala-ang Pilipinas (Manila), Serbia (Belgrade) at Italy (Turin).

Walo ang mula sa Europa - ang France, Serbia, Turkey, Greece, Croatia, Italy, Latvia at Czech Republic; tatlo ang galing sa Asya - ang Pilipinas, Iran at Japan; tatlo rin sa Africa - ang Angola, Tunisia at Senegal; at isa sa Oceania - ang New Zealand.

Ang mangunguna sa tatlong hiwa-hiwalay na Olympic qualifying event ang siyang papasok sa 2016 Olympic Games na gaganapin sa Agosto sa Rio de Janeiro, Brazil.

Aminado si Barrios na matinding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas dahil hindi basta-basta ang mga koponang kasali sa Olympic qualifying.

“There are four countries in the Top 10 of the world ranking,” pahayag ni Barrios patungkol sa  No. 5 France, No. 6 Serbia, No. 8 Turkey at No. 10 Greece.

May 12 koponan lamang ang maglalaro sa Rio Olympics.  Sa kasalukuyan, siyam na bansa na ang nakasisiguro ng silya.

Ang defending champion United States, Australia, Nigeria, Venezuela, Argentina, Spain, Lithua­nia, China at host Brazil.

ACIRC

ANG

CZECH REPUBLIC

GILAS PILIPINAS

HOUSE OF BASKETBALL

NEW ZEALAND

OLYMPIC GAMES

OLYMPIC QUALIFYING

OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

PILIPINAS

PREDRAG BOGOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with