FIBA bracket idadaan sa modified draw wala nang madedehado
MANILA, Philippines – Hindi na ipapatupad ang open draw sa nakatakdang drawing of lots sa tatlong Olympic Qualifying Tournaments para sa 2016 Olympic Game sa Rio de Janeiro, Brazil.
Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng koponang magdodomina sa torneo. Walong bansa mula sa Europe, tatlo buhat sa Americas at tig-isa galing sa Africa, Asia at Oceania ang hahatiin sa tig-anim sa bawat grupo nasabing tatlong OQT.
Gagawin ang drawing of lots bukas sa FIBA House of Basketball sa Mies, Geneva.
Sinabi ni FIBA director of communications Patrick Koller na ang draw ay nakatakda sa alas-6:30 ng umaga (Swiss time) at ihahatid sa pamamagitan ng global live streaming.
Ang draw procedure ay madedetermina sa sandaling napanalisa na ang 18 participating teams.
“I’m happy for the Filipinos,” wika ni Koller. “I’m sure that it will be a great event with a lot of passion.”
Ang FIBA world rankings ng 18 participating countries ay ang No. 5 France, No. 6 Serbia, No. 8 Turkey, No. 10 Greece, No. 12 Croatia, No. 15 Angola, No. 16 Puerto Rico, No. 17 Iran, No. 19 Mexico, No. 21 New Zealand, No. 23 Tunisia, No. 26 Canada, No. 28 Philippines, No. 31 Senegal, joint No. 35 Italy at Latvia, No. 42 Czech Republic at No. 48 Japan.
Dahil ang Pilipinas, Italy at Serbia ay kasama sa 15 seeds sa Olympic qualifiers, inimbitahan ng FIBA ang mga replacements “in line with their FIBA world ranking and the final standings of the 2015 continental championships.”
Ang mga ito ay ang Latvia, Croatia at Turkey.
Ang Latvia at Croatia ang sumunod na highest finishers sa nakaraang EuroBasket matapos ang Spain, Lithuania, France, Serbia, Greece, Italy at Czech Republic.
Nakapasok ang Spain at Lithuania para sa Rio Olympics dahil sa kanilang 1-2 finish sa EuroBasket, habang ang third hanggang seventh placers ay nakakuha ng tiket sa Olympic qualifying seeds.
At ito ang nagbukas ng pintuan para sa No. 8 Latvia at No. 9 Croatia.
- Latest