^

PSN Palaro

Back-2-Back sa Junior Altas isa na lang sa Lady Blazers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang pananalasa ng College of Saint Benilde nang pasadsarin nito ang San Sebastian College, 25-23, 21-25, 25-22, 25-16 upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa National Collegiate Athletic Association Season 91 women’s volleyball finals sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng opensa ang inilatag ng Lady BLazers sa pangunguna ni open hitter Janine Navarro na humugot ng 16 puntos mula sa 14 atake at dalawang aces

Naramdaman din ang puwersa nina middle bloc­kers Jeanette Panaga at Ranya Musa na kapwa naglista ng tig-16 puntos.

Bukod sa malulutong na atake, solidong depensa rin ang ipinamalas ng Lady Blazers tampok ang 10 blocks, 35 digs at 17 recep­tions.

Isang panalo na lamang ang kakailanganin ng Lady Blazers upang makuha ang kanilang u­nang kampeonato sa liga.

Sa men’s division, naipuwersa ng University of Perpetual Help System Dalta ang do-or-die match matapos pigilan ang nagdedepensang Emilio Aguinaldo College (EAC), 20-25, 25-21, 25-20, 25-19 sa Game 2 ng kanilang best-of-three championship showdown.

 Sa juniors, matamis na nasungkit ng Perpetual Help ang ikalawang sunod na kampeonato nang pasukuin ang EAC, 25-21, 22-25, 19-25, 25-16, 15-11, sa Game 2 ng kanilang best-of-three series.

Bumandera sina Dawin Salopaso at Jody Margaux Severo nang umiskor ito ng tig-17 puntos.

ACIRC

ANG

COLLEGE OF SAINT BENILDE

DAWIN SALOPASO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JANINE NAVARRO

JEANETTE PANAGA

JODY MARGAUX SEVERO

LADY BLAZERS

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION SEASON

PERPETUAL HELP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with