^

PSN Palaro

Generals vs Altas sa Men’s Finals Lady Blazers sasagupa sa Lady Stags sa finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinubaran ng College of Saint Benilde ng korona ang Arellano University sa bisa ng 25-20, 25-22, 25-23 panalo upang umusad sa finals ng National Collegiate Athletic Association Season 91 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kumuha ng lakas ang Lady Blazers kay Jeanette Panaga na naglatag ng all-around game na siyam na atake, anim na blocks at anim na aces.

“Pinaghandaan talaga namin ang Arellano lalo na yung plays nila. Inihanda rin namin ang puso at isip namin sa laban na ito,” ani Panaga na siyang reigning Best Blocker sa liga.

Tumulong rin si open spiker Janine Navarro na umiskor ng 11 gayundin si libero Melanie Torres na may 11 digs at siyam na receptions.

Makakasagupa ng Benilde sa finals ang San Sebastian na may hawak na thrice-to-beat advantage.

Awtomatikong umabante sa finals ang Lady Stags matapos makumpleto ang nine-game sweep sa eliminasyon.

Idaraos ang Game 1 ng finals sa Martes sa alas-4 ng hapon.

Sa men’s division, na­i­sa­ayos ng defending champion Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help ang kanilang pagtutuos sa finals matapos patumbahin ang kani-kanilang karibal sa semis.

Nagpasabog si reig­ning MVP Howard Mojica ng 31 puntos tampok ang 27 atake at tatlong blocks para pamunuan ang Ge­nerals na hatakin ang 25-19, 25-20, 22-25, 22-25, 15-9 panalo laban sa San Beda College.

Dumaan rin sa butas ng karayom ang Perpetual Help bago hatakin ang pukpukang 33-31, 25-22, 23-25, 23-25, 15-9 panalo laban sa College of Saint Benilde.

Bumira ng 21 puntos si Rey Taneo Jr. upang pamunuan ang Altas na makabalik sa finals.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

BEST BLOCKER

COLLEGE OF SAINT BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOWARD MOJICA

JANINE NAVARRO

JEANETTE PANAGA

LADY BLAZERS

LADY STAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with