Warriors tinusta ang Heat; Spurs giniba ang Nets
OAKLAND, California – Umiskor si Stephen Curry ng 31 points at nagdagdag si Draymond Green ng 22 points at 12 rebounds para banderahan ang Golden State Warriors sa kanilang ika-36th sunod na regular-season home win mula sa 111-103 paggupo sa Miami Heat.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 17 points para tulungan ang Warriors (36-2) na makuha ang kalahati sa record win total na 72 ng Chicago Bulls noong 1996-97.
Tumipa naman si Dwyane Wade ng 20 points kasunod ang tig-15 nina Chris Bosh at Gerald Green sa panig ng Heat, nauna nang naipanalo ang walo sa kanilang 11 laro sa Oakland.
Ngunit ibang Warriors teams ang hinarap ngayon ng Heat.
Naimintis ni Curry ang pito sa kanyang unang siyam na 3-point shots subalit nakahugot ng suporta para ipantay ang Warriors sa Philadelphia 76ers (1966-67) sa ikaapat na may pinakamahabang regular-season home win streak sa NBA history.
Hawak ng Chicago ang record sa 44 noong 1996-97.
Ang back-to-back baskets ni Green ang nagbigay sa Golden State ng 10-point lead sa third quarter bago nakalapit ang Miami sa 77-80 patungo sa fourth period.
Muling nakalayo ang Warriors sa 88-79 patungo sa 110-101 pag-iwan sa Heat sa huling 26.9 segundo ng laro.
Sa New York, tumipa si LaMarcus Aldridge ng 25 points at 11 rebounds para sa pang-walong sunod na panalo ng San Antonio Spurs matapos kunin ang 106-79 panalo sa Brooklyn Nets.
Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 17 points para sa Spurs (33-6).
- Latest