^

PSN Palaro

Pacquiao-Bradley 3 walang bagong makikita

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nang ihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagkakaplantsa sa ‘trilogy’ nina Manny Pac­quiao at Timothy Bradley  Jr. ay maraming boxing fans ang nagsabing wala itong magiging pagbabago sa naunang mga laban ng dalawa.

Ngunit ayon kay Arum, ibang Bradley ang makakasagupa ni Pacqiuao sa pangatlong pagkakataon sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa isa namang pana­yam ng On The Ropes Boxing Radio kay Al Berns­tein, ang pamosong Showtime boxing analyst, sinabi nitong parehong bakbakan lamang ang mapapanood ng mga fans sa Pacquiao-Bradley III.

Ito ay sa kabila ng ninth-round knockout victory ni Bradley laban kay  Brandon Rios, nauna nang tinalo ni Pacquiao, noong nakaraang Nobyembre.

“Bradley’s performance in his last fight was any different than the Tim Bradley we’ve see before. There were all the good things and there was still some of the recklessness,” wika ni Bernstein kay Bradley.

Ginulat ni Bradley si Pacquiao sa kanilang u­nang laban noong Hun­yo ng 2012 nang kunin ang kontrobersyal na split decision win.

Niresbakan naman ng 37-anyos na si Pacquiao ang 33-anyos na si Bradley sa kanilang rematch matapos ang kanyang kumbinsidong unanimous decision victory noong Abril ng 2014.

Sa naturang panalo kay Rios ay ipinarada ni Bradley, ang kasalukuyang World Boxing Organization welterweight titlist, ang kanyang bagong trainer na si Teddy Atlas.

Ayon kay Bernstein, walang bagong maituturo si Atlas kay Bradley para  sa ikatlong pagsagupa nito sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao

“I’m not saying a fighter doesn’t have the right to change trainers, he does, but there’s not any magic wand,” ani Bernstein.

ABRIL

ACIRC

AL BERNS

ANG

BOB ARUM

BRADLEY

BRANDON RIOS

KAY

LAS VEGAS

MANNY PAC

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with