^

PSN Palaro

Green umagaw ng eksena sa panalo ng Warriors vs Hornets

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, Calif. – Hu­mataw sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-30 points at nagtala si Marreese Speights ng season-high 15 markers mula sa bench para akayin ang Golden State Warriors sa 111-101 pagwalis sa Hornets sa kanilang season series.

Ito ang ika-35 sunod na regular-season home win ng Warriors.

Subalit ang gabi ay para kay Draymond Green.

Hinirang si Green bilang ikalawang Warriors player na nakapaglista ng tatlong sunod na triple-doubles.

Kumolekta si Green ng 13 points, 15 rebounds at 10 assists para makasama si Tom Gola (1959-60) bilang tanging dalawang Warriors players na nagposte ng tatlong sunod na triple-doubles.

Ang huling player na nakagawa nito ay sa NBA ay si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook, kumamada ng four-game streak sa nakaraang season.

Umiskor naman sina Kemba Walker at Jeremy Lamb ng tig-22 points para sa Hornets.

Sa Cleveland, nag-init ang mga kamay ni Kyrie Irving at naglista ng season-high 25 points at nagdagdag ng 24 points si J.R. Smith na tinampukan ng walong 3-pointers para ihatid ang Cavaliers sa 122-100 panalo sa Toronto Raptors.

Tumipa si Irving, nasa kanyang ikaanim na laro matapos magkaroon ng broken left kneecap, ng 10 of 16 fieldgoal shooting.

Sa Miami, kumabig si Chris Bosh ng 31 points, habang may 27 si Dwya­ne Wade kasama ang layup na pumuwersa sa overtime para burahin ang 18-point third-quarter deficit at natakasan ang Indiana Pacers, 103-100.

ACIRC

ANG

CHRIS BOSH

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WARRIORS

INDIANA PACERS

JEREMY LAMB

KEMBA WALKER

KLAY THOMPSON

KYRIE IRVING

MARREESE SPEIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with