^

PSN Palaro

Maraming sorpresa ang naganap sa PBA 39th Season

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa likod ni back-to-back Most Valuable Player June Mar Fajardo ay pinagha­rian ng San Miguel ang dalawang komperensya, habang nakasingit naman ng isa ang Talk ‘N Text.

At bago matapos ang 39th season ay iniluklok si ex-PBA coach Chito Nar­vasa bilang bagong PBA Commissioner kasunod ang tuluyan nang pagbibitiw ni President/Chief Exe­cutive Officer Chito Salud.

Ito ang mga naganap sa nakaraang 2014-2015 season ng Philippine Basketball Association.

Sa unang pagkakataon ay nagparada ang professional league ng kabuuang 12 koponan nang pormal na tanggapin ang mga expansion teams na Kia Sorento ni playing coach Manny Pacquiao at Blackwater Elite.

Bagama’t inaprubahan ng PBA bilang isa ring expansion squad, mas pinili ng NLEX Road Warriors na bilhin ang prangkisa ng Air21 Express.

Ginawa ng PBA ang opening ceremonies ng Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na naglista ng all-time indoor Philippine sports attendance record na 52,612.

Sa Philippine Cup Finals ay tinakasan ng San Miguel ang Alaska, 4-3, sa kanilang best-of-seven championship series kung saan hinirang si Arwind Santos bilang Finals MVP, samantalang nakamit ni Fajardo ang Best Player of the Conference award.

“I have to give credit to Alaska and coach Alex (Compton) for that big, big fight. We’re just fortunate we ended up the winner in the end,” wika ni coach Leo Austria makaraang talunin ng Beermen ang Aces, 80-78, sa Game Seven.

Pinagharian naman ng Talk ‘N Text ang PBA Commissioner’s Cup nang u­ngusan ang Rain or Shine, 4-3, sa kanilang best-of-seven titular showdown.

Kinilala si Ranidel de Ocampo bilang Finals MVP at ipinutong kay guard Jayson Castro ang Best Player of the Conference crown.

“The players won the game, they made the big shots they made the big stops,” sabi ni Tropang Texters mentor Jong Uichico sa kanilang 121-119 double overtime win sa Elasto Painters sa Game Seven.

Nakamit ni Rain or Shine import  Wayne  Chism ang Bobby Parks Best Import of the Conference.

Muling rumatsada ang Beermen sa PBA Go­vernors’ Cup nang walisin ang Aces, 4-0, sa kanilang championship wars na nagtampok sa pag-angkin ng 6-foot-10 na si Fajardo sa kanyang ikalawang sunod na PBA MVP trophy.

Bukod pa ito sa pagkilala sa Cebuano superstar bilang Best Player of the Conference.

Iginawad naman ang Bobby Parks Best Import of the Conference kay Alaska import Romeo Travis.

Sa PBA All-Star Game sa Puerto Princesa Coliseum, Palawan noong Marso 5 ay iniretiro ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang jersey number ni veteran point guard Jimmy Alapag.

Ngunit kinuha siya ng Meralco Bolts bago magsimula ang 2015-2016 PBA Philippine Cup.

Noong Pebrero 15 sa isang press conference saMall of Asia Arena sa Pasay City ay inihayag ni Salud ang kanyang pagbibitiw bilang PBA Commissioner.

Sa pulong ng PBA Board of Governors noong Marso 7 ay nagdesisyon silang baguhin ang structure ng liga kung saan nila hinirang si Salud bilang President/Chief Executive Officer para manguna sa marketing, expansion at business related matters.

Ang Commissioner naman ang mangangasiwa sa mga game-related matters. Opisyal na iniluklok ng PBA Board si Narvasa, ang presidente ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP), bilang Commissioner noong Mayo 14. Si Narvasa ang naging ika-siyam na Commissioner ng PBA.

Tuluyan namang nilisan ni Salud ang pro league makaraang bumaba sa kanyang posisyon bilang President/CEO.

 

ACIRC

ALL-STAR GAME

ANG

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BILANG

BOBBY PARKS BEST IMPORT OF THE CONFERENCE

GAME SEVEN

N TEXT

PBA

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with