So nakipag-draw kay Carlsen para manatili sa No. 2
MANILA, Philippines – Nauwi sa draw ang laban nina Grand Master Wesley So at GM Magnus Carlsen ng Norway sa sixth round ng 2015 Qatar Masters Open na ginaganap sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.
Nanatili sa unang puwesto si Carlsen hawak ang limang puntos habang nasa ikalawang puwesto si So kasama ang 12 pang manlalaro tangan ang pare-parehong 4.5 puntos.
Kagrupo ni So sina GM Sergey Karjakin ng Russia, GM Vladimir Kramnik ng Russia, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, GM Dariusz Swiercz ng Poland, GM Yu Yangyi ng China, GM Anish Giri ng Netherlands, GM Pendyala Harikrishna ng India, GM Surya Shekhar Ganguly ng India, GM Sanan Sjugirov ng Russia, GM Ruslan Ponomariov ng Ukraine, GM Dmitry Jakovenko ng Russia at GM Ni Hua ng China.
Nagtala ng panalo sina Harikrishna kay GM Vladimir Fedoseev ng Russia, Jakovenko kay GM Viktor Bologan ng Moldova, Sjugirov kay GM Radoslaw Mojtaszek ng Poland, Ponomariov kay Mohammed Al-Sayed ng Qatar at Ni kay GM Santosh Gujrathi Vidit ng India, habang naghati sa puntos sina Kramnik at Mamedyarov, Ganguly at Giri, Karjakin at Swiercz, at Yu at Li Chao.
Sa seventh round ay makakasagupa ng 22-anyos na si So si Ponomariov.
- Latest