^

PSN Palaro

22 foreign teams nagkumpirma na sa 7th Le Tour de Filipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkumpirma ng ka­nilang partisipasyon ang 19 continental at tatlong club teams para sa 7th edition Le Tour de Filipinas, ang tanging International Cycling Union (UCI)-calendared road race sa bansa.

Kabilang sa mga gustong sumabak sa karerang nakatakda sa Pebrero 18-21, 2016 ay ang mga koponan mula sa United States, Europe at Asia.

Naghihintay din ng imbitasyon para sa Le Tour de Filipinas ay ang mga continental teams na Minsk Cycling Club (Belarus), Skydive Dubai Pro Cycling Team (United Arab Emi­rates), Team Sauerland p/b Henley & Partners (Germany), Team LVShan Landscape (China), GM Cycling Team (Italy), Dynamo Cover Pro Cycling Team (France), Kinan Cycling Team (Japan), Kenyan Riders Down Under (South Africa), Team Veral Classic (Belgium) at Alpha Baltic Maratoni Cycling Team (Latvia).

Inaasahan ding babalik sa kompetisyon ang Team Ukyo (Japan), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Team Novo Nordisk (USA), LX Cycling Team (Korea), Team Arbo Denzel Cliff (Austria), CCN Cycling Team (Laos), Dutch Global Cycling Team (Netherlands), Korail Cycling Continental Team (Korea), Attaque Team Gusto (Taiwan) at Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia) na mga continental teams.

“We get requests for invitation from all over the world in each edition of the Le Tour de Filipinas,” sabi ni Donna Lina, ang president ng race organizer na Ube Media Inc.

Handa ring sumali ang mga club teams mula sa Britain (Archive Northside Skinnergate Team) Lithuania (Team Baltik Vairas) at Australia (Oliver’s Real Food Racing Team).

Inaasahan ding lalahok ang tatlong Philippine teams na 7-Eleven Road Bike Philippines (continental), PhilCycling National Under-23 Team at Cebu Cycling Team (club) sa nasabing Category 2.2 race (multi-stage road race) na papadyak sa 600 kilometro mula sa Antipolo City sa Rizal Province hanggang sa Legaspi City sa Albay na magtatampok sa Mayon Volcano bilang backdrop sa huling dalawang yugto ng karera.

Pakakawalan ang Stage One sa February 18 mula sa Antipolo City patungo sa Lucena City sa Quezon Province, habang ang Stage Two ay sisimulan sa Lucena City at matatapos sa Daet, Camarines Norte.

Ang Stage Three ay hahataw sa Daet at mag­wawakas sa Legaspi City at ang Stage Four ay gagawin sa Legaspi City na dadaan sa Mayon Volcano.

ACIRC

ANG

ANTIPOLO CITY

CYCLING

CYCLING TEAM

FILIPINAS

LE TOUR

LEGASPI CITY

LUCENA CITY

MAYON VOLCANO

TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with