Ravena, Valdez babandera sa charity game
MANILA, Philippines – Magkakasama ang mga basketball at volleyball collegiate stars na sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez para sa isang charity volleyball game sa Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.
Tinawag na “FASTBR3AK,” makakasama nina Ravena, ang two-time MVP sa UAAP basketball at Valdez, ang double MVP winner sa UAAP volleyball para sa Ateneo, ang mga sikat ding volleyball personalities na sina Gretchen Ho, Denden Lazaro, Michelle Gumabao, Charo Soriano at iba pa sa one-day event na naghahangad na makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong ‘Nona’.
“We want to help them in the spirit of Christmas,” sabi ni Ravena, ilang beses na ring nanguna sa pagdaraos ng mga charity games. “We hope they won’t be too devastated by what happened and this is one way of making them happy this Christmas,” dagdag pa nito.
Ang iba pang sasali sa event na nakatakda sa alas-2 ng hapon ay sina volley pros Bang Pineda, Jen Reyes, Ella de Jesus, Sue Roces at showbiz personalities Yayo Aguila, Arny Ross, IC Mendoza, Casey de Silva at sportscasters Mozzy Ravena at Miakka Lim.
Mabibili ang mga tiket sa halagang P250 at P500 sa Ally’s All-Day Breakfast Place outlets sa Malingap at Holy Spirit Drive, Quezon City.
- Latest