^

PSN Palaro

Taekwondo yearender: Produktibo ang 2015 sa poomsae team

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tunay na world-class ang national taekwondo poomsae team na humakot ng medalya sa iba’t ibang international competitions sa taong ito.

Sumipa ang Pambansang koponan ng apat na ginto at isang pilak na medalya sa World Taekwondo Hanmadang Championships na ginanap noong Agosto sa Pyongtaek, South Korea.

Nakasiguro ng ginto ang Pilipinas sa Team Competition, Senior 1 Female Team, Junior 3 Pair at Senior 1 Pair habang ang pilak ay mula sa All Around Breaking Male.

Binubuo ang koponan nina Jeordan Dominguez, Moses Bullicer, Janna Dominique Oliva, Lee Robiegayle Navales, Ardee Landrito, Juvenile Crisostomo, Rinna Babanto, Elisabella Cesista, Jocel Lyn Ninobla, Patrick King Perez at Lee Robiegayle Navales.

Noong Hulyo, umani rin ang tropa ng isang ginto, isang pilak at isang tanso sa 2015 Korea  Open na nilahukan ng mahigit 2,500 atleta mula sa 50 bansa.

Panalo ng ginto ang Senior Women’s Team nina Ba­banto, Ninobla at Crisostomo habang nakapilak ang Mixed Pair nina Perez at Navales at tanso naman sina Crisostomo at Cesista sa Individual Female (Senior).

Sa 1st Asian Cadet Taekwondo Poomsae Cham­pionships noong Abril na ginanap sa Taipei City, Taiwan, nagpasiklab ang mga bagitong jins sa pangunguna ni Justine Kobe Macario na nakasiguro ng ginto sa Cadet Freestyle Individual Male. Nakipagsanib-puwersa rin ito kina Shane Jeremy Benavente at James Matthew Lopez para matiyak ang Cadet Team Male gold.

Maliban sa dalawang ginto, nag-uwi pa ang junior poomsae team ng dalawang tanso buhat sa Cadet Team Female (Aidaine Krishia Laxa, Cheyena Dela Fuente at Chelsea Xen Tacay) at Cadet Pair (Kyslev Ernest Guzman at Laiea Simoune Soria).

Tinapos ng Pinoy jins ang kampanya nito tangan ang isang pilak at limang tanso sa 3rd Asian Junior Taekwondo Poomsae Championships na idinaos din sa Taiwan.

Tumulong din ang koponan sa kampanya ng Pilipinas sa Southeast Asian Games na ginanap noong Hunyo sa Singapore kung saan nakaginto sina Dustin Jacob Mella, Raphael Enrico Mella at Rodolfo Reyes Jr. sa Men’s Team at pilak naman si Babanto sa Women’s Individual.

Umaasa ang national team na mas magiging makulay ang kanilang kampanya sa susunod na taon partikular na sa prestihiyosong World Taekwondo Poomsae Cham­pionship na itatanghal sa Lima Peru.

ACIRC

AIDAINE KRISHIA LAXA

ALL AROUND BREAKING MALE

ANG

ARDEE LANDRITO

ASIAN CADET TAEKWONDO POOMSAE CHAM

ASIAN JUNIOR TAEKWONDO POOMSAE CHAMPIONSHIPS

CADET FREESTYLE INDIVIDUAL MALE

CADET PAIR

LEE ROBIEGAYLE NAVALES

TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with