^

PSN Palaro

Thunder isinalba ng triple-double ni Durant

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY -- Nagtala si forward Kevin Durant ng isang triple-double para igiya ang Thunder sa 107-94 panalo laban sa bisitang Atlanta Hawks sa NBA noong Huwebes sa Chesapeake Energy Arena.

Tumipa si Durant ng 8-for-14 fieldgoal shooting para tumapos na may 25 points, 10 assists at 12 rebounds para sa Oklahoma City.

Nagdagdag naman si forward Serge Ibaka ng 23 points at 10 rebounds, habang nagtala si guard Russell Westbrook ng 23 points, 10 assists at 6 board para sa Thunder (14-8).

Ito ang unang pagkaka­taon na parehong umiskor sina Westbrook at Durant ng higit sa 20 points at 10 assists.

Naglista naman si guard Kent Bazemore ng 22 points mula sa 7-of-11 shooting at may 18 points si guard Jeff Teague sa panig ng Hawks (14-10).

Nalimitahan ng Thunder si Hawks’ forward Paul Millsap sa 7 points at 8 rebounds.

Ibinigay ni Durant sa Thunder ang 92-83 abante sa 6:50 minuto sa fourth quarter bago nagsalpak si Millsap ng isang one-handed jumper para ilapit ang Hawks sa 85-92 agwat.

Ang dunk ni Durant sa baseline ang nagbigay sa Thunder ng 11-point cu­shion sa huling 1:40 minuto.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Brooklyn Nets ang Philadelphia 76ers, 100-91, habang giniba ng Chicago Bulls ang Los Angeles Clippers, 83-80.

ACIRC

ANG

ATLANTA HAWKS

BROOKLYN NETS

CHESAPEAKE ENERGY ARENA

CHICAGO BULLS

JEFF TEAGUE

KENT BAZEMORE

KEVIN DURANT

LOS ANGELES CLIPPERS

OKLAHOMA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with