Perpetual Junior Altas bubuksan ang pagdedepensa sa volleyball
MANILA, Philippines – Sisimulan ng Perpetual Help ang pagdedepensa sa kanilang korona sa pagsagupa sa San Sebastian sa juniors division ng 91st NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
“Although the competition got stronger, we’re confident of our chances to repeat this season,” wika ni Perpetual Help coach Sandy Rieta.
Pinatumba ng Junior Altas ang Lyceum of the Philippines University Junior Pirates, 25-15, 25-23, 25-19, para kunin ang juniors championship noong nakaraang taon.
Tinapos ng Perpetual ang apat na taon nilang pagkauhaw sa korona sa juniors’ division para sa kanilang pang-pitong titulo sa kabuuan.
Ang San Sebastian Staglets ay may record na 15 kampeonato.
Nangako naman si Perpetual Help president at NCAA Policy Board member Anthony Tamayo ng solidong suporta para sa kanilang tropa.
“Perpetual Help is supporting not just our volleyball and basketball teams, but everyone who is representing the school,” wika ni Tamayo.
- Latest