^

PSN Palaro

Aces hihirit ng panalo vs Hotshots

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pipilitin ng Alaska na makasosyo sa liderato, habang target naman ng NLEX at ng Meralco ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng Aces ang Star Hotshots ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Road Warriors at ng Bolts sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Alaska ng 123-104 panalo kontra sa Globalport noong nakaraang Biyernes kung saan walong players ang kuma­mada sa double figures.

“Wala akong masabi. Talagang maganda ang ginawa ng mga players. They moved the ball, they played as a team,” sabi ni American coach Alex Compton sa kanyang Aces.

Sa paggupo sa Batang Pier ay naglista si Cyrus Baguio ng 17 points para sa Aces kasunod ang 16 ni Vic Manuel, tig-14 nina Chris Banchero, RJ Jazul at Sonny Thoss, 12 ni Eric Menk, 11 ni Calvin Abueva at 10 ni JVee Casio.

Hangad naman ng Hotshots na makabawi buhat sa 83-87 pagkatalo sa Bolts noong nakaraang Sabado.

Sina two-time MVP James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Allex Mallari at Justin Melton ang sasandalan ng Star ni rookie mentor Jason Webb.

Samantala, mag-uunahan naman ang NLEX at Meralco na maiposte ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo.

“It’s nice to get back in the winning track, it’s really a test of character for us this game,” sabi ni coach Boyet Fernandez matapos ang 107-101 pananaig ng Road Warriors kontra sa Talk ‘N Text Texters noong nakaraang Biyernes.

Naitala naman ng Bolts ni Grand Slam coach Norman Black ang kanilang kauna-unahang panalo sa torneo makaraang hugutin ang 87-83 tagumpay laban sa Hotshots.

“Our major problem sometimes is that three guys are on the same page but the two guys are not. The two guys are on the same page but the three guys are not,” sabi ni Black.

ACIRC

ALEX COMPTON

ALLEX MALLARI

ANG

BATANG PIER

BIYERNES

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CHRIS BANCHERO

CYRUS BAGUIO

ROAD WARRIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with