^

PSN Palaro

Painters sumosyo uli sa itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumangon ang Rain or Shine mula sa isang masaklap na kabiguan nang gibain ang Blackwater, 103-81, para sumosyo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“I guess we were rea­lly excited to get back to playing again after our heartbreak loss,” sabi ni coach Yeng Guiao sa Elasto Painters na nagmula sa 111-113 pagkatalo sa Globalport Batang Pier noong nakaraang linggo.

Tumipa si guard Jericho Cruz ng career-high na 23 points para igiya ang Rain or Shine sa 4-1 baraha katabla ang nagdedepensang San Miguel at Alaska sa liderato.

Nagdagdag si Jewel Ponferada ng 15 markers kasunod ang 12 ni Beau Belga at 11 ni JR Quiñahan para sa Elasto Painters, pinatikim sa Elite ang ikaapat nitong kabiguan sa limang laro.

Umiskor si Cruz ng 14 points sa third period kung saan nagsimulang lumayo ang Rain or Shine para ibaon ang Blackwater sa 80-61.

Pinamunuan ni roo­kie Arthur Dela Cruz ang Blackwater sa kanyang 15 points, habang may 14 si JP Erram at 9 si Reil Cervantes.

Sa ikalawang laro, tinakasan ng Meralco Bolts ang Star Hotshots, 87-83, para sa kanilang kauna-unahang panalo matapos ang 0-5 panimula.

Rain or Shine 103 - Cruz 23, Ponferada 15, Belga 12, Quiñahan 11, Ahanmisi 8, Almazan 8, Teng 6, Tiu 6, Matias 5, Nimes 4, Chan 3, Trollano 2, Ibñes 0, Norwood 0.

Blackwater 81 - Dela Cruz 15, Erram 14, Cervantes 9, Lastimosa 7, Gamalinda 6, Melano 6, Cortez 5, Ballesteros 4, Golla 4, Reyes 4, Sena 3, Agovida 2, Vosotros 2, Canada 0.

Quarters: 25-16, 47-39, 80-61, 103-81. (RC)

ACIRC

ANG

ARTHUR DELA CRUZ

ATILDE

BEAU BELGA

CRUZ

CUNETA ASTRODOME

DELA CRUZ

ELASTO PAINTERS

ERRAM

GLOBALPORT BATANG PIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with