Alaska inilaglag ang Globalport
Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
3 p.m. Rain or Shine
vs Blackwater
5:15 p.m. Meralco vs Star
MANILA, Philippines – May walong players ang Alaska na umiskor ng double-digits.
At sapat na ito para iposte ang kanilang ikaapat na panalo at sumosyo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup.
Nagposte ang Aces ng 18-point lead sa third period patungo sa 123-104 paggiba sa dating mainit na Globalport Batang Pier kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Wala akong masabi. Maganda ang ginawa ng mga players. They moved the ball, they played as a team,” ani American coach Alex Compton, nakahugot ng 17 points kay Cyrus Baguio kasunod ang 16 ni Vic Manuel, tig-14 nina Chris Banchero, RJ Jazul at Sonny Thoss, 12 ni Eric Menk, 11 ni Calvin Abueva at 10 ni JVee Casio.
Bumangon ang Alaska sa naunang 92-93 kabiguan sa Barangay Ginebra sa Dubai kasabay ng pagpigil sa tatlong sunod na arangkada ng Globalport.
Matapos ilista ang 10-point lead, 60-50, sa halftime ay lalo pang nag-init ang Aces nang ibaon ang Batang Pier sa 94-76 mula sa ikalawang three-point shot ni Baguio sa huling 24.5 segundo ng third period.
Ipinoste ng Alaska ang pinakamalaki nilang bentahe sa 21 points, 110-89, buhat sa isang three-point play ni guard RJ Jazul kay Terrence Romeo sa huling 4:54 minuto ng fourth quarter.
Pinamunuan ni Romeo ang Globalport sa kanyang game-high na 33 markers kasunod ang 16 ni Stanley Pringle, 13 ni Billy Mamaril, 11 ni Doug Kramer at 10 ni Rico Maierhofer.
Kasalukuyan pang naglalaro ang Talk ‘N Text at ang NLEX habang isinusulat ito.
Samantala, tatargetin ng Rain or Shine ang kanilang ikaapat na panalo at pagsosyo sa liderato sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang banggaan ng Star at Meralco sa alas-5:15 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Alaska 123 - Baguio 17, Manuel 16, Banchero 14, Jazul 14, Thoss 14, Menk 12, Abueva 11, Casio 10, Baclao 4, Dela Rosa 4, Hontiveros 4, Dela Cruz 3, Exciminiano 0, Racal 0.
Globalport 104 - Romeo 33, Pringle 16, Mamaril 13, Kramer 11, Maierhofer 10, Uyloan 6, Washington 6, Yeo 5, Jensen 2, Sumang 2, Paniamogan 0, Taha 0.
Quarterscores: 34-25; 60-50; 94-78; 123-104.
- Latest