Curry, Iguodala binitbit ang Warriors sa ika-9 sunod
MEMPHIS, Tennessee -- Ito na ang pinakamagandang panimula ng Golden State Warriors sa loob ng 55 taon.
Ito ay nang ang prangkisa ay nasa Philadelphia pa lamang.
Kumamada si Stephen Curry ng 28 points at nagdagdag ng 20 si Andre Iguodala para duplikahin ng Warriors ang 9-0 start ng 1960-61 Warriors mula sa 100-84 panalo kontra sa Memphis Grizzlies.
“It’s great, because it means you’re winning, which is the most important thing,” sabi ni forward Draymond Green.
Tumipa naman si Harrison Barnes ng 19 points para sa pang-siyam na sunod na panalo ng Golden State.
Nagtala si Curry ng 9-of-21 fieldgoal shooting, ngunit may mahinang 3-of-10 sa 3-point line.
Nalasap naman ng Grizzlies ang kanilang ikaapat na dikit na kamalasan.
Humakot si center Marc Gasol ng 26 points, habang may 19 si Zach Randolph at 15 si Tony Allen sa panig ng Memphis.
Kinuha ng Warriors ang 15-point lead sa first half hanggang makalapit ang Grizzlies sa 56-57 agwat.
Ngunit nagsalpak si Curry ng isang 40-footer sa pagtatapos ng third quarter patungo sa 74-63 bentahe ng Golden State.
Sa iba pang resulta, pinadapa ng Charlotte Bobcats ang New York Knicks, 95-93; tinalo ng Orlando Magic ang Los Angeles Lakers, 101-99; giniba ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers, 119-103; dinaig ng Indiana Pacers ang Boston Celtics, 102-91; hiniya ng Atlanta Hawks ang New Orleans Pelicans, 106-98; inungusan ng Denver Nuggets ang Milwaukee Bucks, 103-102 at binigo ng Sacramento Kings ang Detroit Pistons, 101-92.
- Latest