Bradley Part 3
Maglalaban ngayong tanghali sa Las Vegas sila Timothy Bradley, Jr. and Brandon Rios na dati nang nakaharap ni Manny Pacquiao.
Natalo si Pacquiao kay Bradley nung 2012.
Kung naaalala ninyo pa, may milagrong nangyari sa judging kaya natalo si Pacquiao.
Binalikan at tinalo ni Pacquiao si Bradley nung 2014 at bago pa nito ay binugbog din ng ating idol si Rios sa Macau nung 2013.
Ano ang kinalaman natin sa laban nila Bradley at Rios?
Sabi ni Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao, posibleng magharap pa sila Pacquiao at Bradley sa ikatlong beses.
Iyan ay kung maganda ang ipapakita ni Bradley laban kay Rios ngayong tanghali.
Kasama sa pinagpipilian ni Pacquiao na kanyang makakalaban sa April 9 ay sina Amir Khan, isang Pakistani na taga-England, at ang Amerikanong si Terence Crawford.
May mga nagaganap na negosasyon pero sa ngayon ay wala pang napagkasunduan.
Backup si Bradley.
Kung sakali nga naman na magpakipot si Khan at humingi ng malaki at sabihin ni Pacquiao na hindi nita type kalaban si Crawford, nandiyan si Bradley.
Kaya nga lang, dapat munang talunin ni Bradley si Rios.
Kapag natalo si Bradley, tapos ang kuwento.
Wala pa raw sa isip niya ang ikatlong laban kay Pacquiao dahil si Rios muna ang kanyang iniintindi.
Tama nga naman.
Pero mahirap alisin ni Bradley sa isip niya si Pacquiao dahil kung sakali nga naman ay tumataginting na pera ang maghihintay sa kanya.
Hindi niya kayang kitain sa dalawa, tatlo o kahit apat na laban pa ang kikitain niya sakaling makaharap niya ulit si Pacquiao.
Magiging mahina ang $5 milyon kapag si Pacquiao ang nakalaban ni Bradley.
Mahirap yata itong alisin sa isip.
Imposible.
- Latest