^

PSN Palaro

Mojdeh tinapik ng PSL na NCR director

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinalaga ng Philippine Swimming League (PSL) si Joan Melissa Mojdeh para maging National Capital Region (NCR) director.

Magiging papel ni Moj­deh ang tumulong na palakasin ang grassroots program sa NCR upang patuloy na makatulong ang PSL sa paghubog ng mga manlalangoy na maaaring magbigay ng karangalan sa bansa sa malalaking torneo sa hina­harap.

Si Mojdeh ay graduate ng BS Biology sa FEU at siya ang ina ni Micaela Jasmine na nanalo ng gintong medalya sa mga torneong sinalihan ng PSL sa Australia, Singapore,  Hong Kong at Thailand.

“We need someone like her. She has a complete passion and great heart  for swimming. Marami siyang natutulungang swimmers lalo na yung mga nangangailangan talaga. Alam din niya ang mga nangyayari sa swimming community,” wika  ni PSL president Susan Papa.

Maluwag na tinanggap ni Mojdeh ang bagong trabaho sa samahan at nangakong patuloy na ipaglalaban ang karapatan ng mga swimmers na makasali sa mga de­legasyong isinasabak sa kompetisyon sa labas ng bansa.

“I have been in swimming for only three years now and I’m glad I was raised like a warrior so I can fight this war in swimming with heads up high,” wika ni Mojdeh.

Bukod sa swimming, aktibo rin si Mojdeh sa pagsali sa mga patakbo at triathlon events. (BRM)

ACIRC

ANG

HONG KONG

JOAN MELISSA MOJDEH

MGA

MICAELA JASMINE

MOJDEH

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

SI MOJDEH

SUSAN PAPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with