^

PSN Palaro

Ateneo diretso sa Final 4

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. UE vs Adamson

4 p.m. FEU vs UST

 

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagkakadiskaril sa hangad ng University of Sto. Tomas sa ‘twice-to-beat’ incentive, pormal namang inangkin ng Ateneo De Manila University ang ikatlong tiket sa Final Four.

Dumiretso ang Blue Eagles sa kanilang ikaapat na sunod na ratsada matapos talunin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 74-65 sa se­cond round ng 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumamada si Kiefer Ravena ng 16 points, habang nagdagdag si Adrian Wong ng 14 markers para sa Katipunan-based cagers na maaari pang makipag-agawan sa ‘twice-to-beat’ bonus sa Final Four.

Matapos kunin ang 12-point lead, 26-14, sa first period ay pinalobo pa ng Ateneo ang kanilang kalamangan sa UP sa 18 puntos, 50-32, sa third quarter.

Sa unang laro, ginulat ng University of the East Red Warriors ang Growling Tigers, 91-77, tampok ang 26 points ni Clark Derige para buhayin ang kanilang pag-asa sa Final Four.

Nagposte ang Red Warriors ng 14-point lead sa third period bago nakalapit ang Tigers, nadiskaril ang hangad na masakmal ang ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four, sa limang puntos.

Ngunit nagsalpak si Derige ng isang tres at jumper para tuluyan nang selyuhan ang panalo ng UE laban sa UST, nalasap ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

Kumolekta naman si Karim Abdul ng 25 points at 15 rebounds para sa Grow­ling Tigers.

UE 91 – Derige 26, Javier 13, P. Varilla 10, Abanto 10, Batiller 9, Charcos 8, Manalang 6, Palma 4, Gagate 2, J. Varilla 2, Sta. Ana 1.

UST 77 – Abdul 25, Daquioag 11, Ferrer 10, Vigil 9, Lee 9, Lao 6, Sheriff 4, Bonleon 2, Subido 1, Garrido 0.

Quarterscores: 20-15; 39-38; 62-52; 91-77.

AdMU 74 – Ravena 16, Wong 14, A. Tolentino 8, Gotladera 6, Ikeh 6, Ma. Nieto 5, Pessumal 5, Babilonia 4, Capacio 4, Black 2, V. Tolentino 2, Go 2.

UP 65 – Dario 13, Amar 11, Manuel 10, Desiderio 8, Kone 7, Harris 4, Moralde 4, Vito 4, Gallarza 2, Lim 2, Asilum 0, Jaboneta 0.

Quarterscores: 19-11, 45-26, 54-44, 74-65.

ACIRC

ADRIAN WONG

ANG

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

CLARK DERIGE

DERIGE

FINAL FOUR

GROWLING TIGERS

SMART ARANETA COLISEUM

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with